I received this very interesting forwarded email and it made me chuckle.
Ganito ang mangyayari sa arko. Read along.
Taong 2005 at isang ordinaryong middle class pinoy si Noah. Nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabing "Pagkatapos ng isang taon ay bubuhos ang ulan at babahain ang buong kapuluan ng Pilipinas. Gusto kong gumawa ka ng isang malaking arko at isakay mo rito ang pares-pares na mga hayop at mga mag-asawang pilipino sa iba't-ibang kapuluan."
Ibinigay kay Noah ang specs ng Arko at taos puso nitong tinanggap ang responsibilidad na sagipin ang sambayanang Pilipino sa napipintong pagbaha.
Lumipas ang isang taon, muling nagpakita ang Diyos kay Noah. Walang arkong nagawa si Noah at galit na galit siyang tinanong ng Diyos, "Nasaan ang arko na ipinagawa ko sa iyo?"Tumugon si Noah, "Patawarin po ninyo ako kung di po natupad ang utos ninyo! Nagkaroon po ng malaking problema sa plano po ninyo."
At inilahad ni Noah ang mga sagabal na nakaharap niya sa pag-gawa ng arko.Humingi siya ng Mayor's permit pero papayag lang daw si Mayor kung ang gagawa ng arko ay ang construction firm ng kanyang pamangkin. Tumungo siya sa Congressman pero papayag lang daw si Congressman kung may matatanggap siyang 30% commission. Nagtayo ng unyon ang mga kinuha niyang manggagawa at nag-strike.
Natunugan ng mga left-leaning groups ang kanyang balak at ang mga ito ay nag-rally dahil daw sa hindi makatarungang pagpiling mga taong sasakay sa arko (mga taong naniniwala lang sa Diyos ang pwedeng sumakay). Nakisali sa rally ang mga bakla at tomboy dahil bias daw na normal na mag-asawa lang ang pwedeng sumakay. Ang civil society group ay nakisali na rin sa gulo dahil napag-alaman daw nila na ang pondong gagamitin sa paggawa ng arko ay galing sa donasyon ng mga gambling lords at katas ng weteng. Sa kaguluhang ito ay napilitang magpatawag ng hearing ang senado "in aid of legislation".
Sinubukan ni Noah na gamitin ang EO 464 para makaiwas sa hearing pero dahil hindi sya executive official, napilitan siyang tumistigo. Nang malaman ng senado na utos ng Diyos ang pagpapagawa ng arko, dineklara nila itong unconstitutional dahil hindi raw nito iginalang ang separation ng church at state.
Nakialam na rin ang NBI at PNP at sinabi nilang meron silang impormasyon na ang arko raw na ito ay gagamitin ni Erap sa kanyang pagtakas. Sinabi naman ng ISAFP at DOJ na ito raw ay gagamitin ng grupong Magdalo sa binabalak nilang coup laban kay Arroyo. Nilapitan ni Noah si Mike Defensor para makipag-usap kay GMA. Payag daw si GMA na ituloy ang arko kung ipapaskil daw sa arko ang malaking mukha ni Arroyo na may slogan "Towards a Strong Republic".
"Hindi po ako pumayag kaya hanggang ngayon po ay may TRO ang pag-gawa ng arko. Sa palagay ko po kailangan ko pa ng 10 taon para matapos ang inyong proyekto." Ang huling wika ni Noah.Napa-iling ang Diyos at sinabing, "Di ko na kailangang wasakin pa ang bansang ito. Hayaan ko na lang kayong sumira nito."
Diskleymer: Hindi po ako ang sumulat ng kwentong ito. Kung sino man ang may akda nito ay di ko alam. Ipinasa lang ito ng isang grupong sinalihan ko noong nasa kolehiyo pa ako. Saludo ako sa sinumang may akda ng estoryang ito na maihahalintulad natin sa mga pangyayaring nagaganap sa ating bansang Pilipinas.
5 comments:
Hehehe nice post marengkay - hala ka tinuod jud ay! kudos sa nag suwat ani ba.
Mareng - muzta naman diay ka oy, naghilom hilom ka ra man diha oy hehe busy lang gihapon mareng?
pila na kaha ka dekada ba nga wa ta nagkita sa kahanginan hehehe..
ayo ayo diha kanunay marengkay.
ako diay ang pirst dire! lingi lingi kog left and right ako jud diay pirst hehe
bless asa naka wala aku dugog nimo muzta t.c.
dropping by to say, Hi!
God bless!
lol...
Post a Comment